Connect with us

Uncategorized

Grade 10 student nagbigti patay, pagpapatiwakal kinunan pa ng video

Published

on

Nag-video pa sa cellphone bago nagpakamatay ang isang binata sa pamamagitan ng pagbigti sa sala ng kanilang bahay kagabi sa isang barangay sa bayan ng Malay.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng Radyo Todo Aklan, nadatnan nalang ng isa nilang kaanak ang binata na nakabitin sa sala na nasa 10ft ang taas gamit ang isang lubid.

Mabilis itong humingi ng tulong para makuha ang katawan ng binata mula sa pagkakasabit at sinubukang i-revive ang biktima.

Isinugod pa ito sa Ciriaco Medical Hospital ngunit idineklarang Dead-on-Arrival ng doktor.

Ayon sa mga magulang ng biktima, hindi ito ang unang beses na pinagtangkaan ng kanilang anak ang kanyang buhay, minsan na rin umano nila itong naabutang akmang magpapakamatay nitong buwan lang ng Enero.

Naniniwala ang pamilya na nagpakamatay nga ang biktima, pero hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kanila kung ano ang dahilan ng pagpapakamatay nito.

NOTE:

*Ang lahat ng problema may solusyon. Kung ikaw ay may problema at gusto mong makahanap ng kausap, tumawag lamang sa HOPE hotline ng DOH-Center for Health Development sa Western Visayas sa numero.

*1-800-10-333-8336
*0998-532-4047
*0917-775-9256
*0925-546-9919

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *