Connect with us

Uncategorized

7 ARESTADO DAHIL SA ILEGAL NA SUGAL

Published

on

Arestado ang 7 katao dahil sa ilegal na sugal bandang alas 8:20 kagabi sa Linabuan Norte, Kalibo.

Matapos makatanggap ng impormasyon mula sa Barangay Intelligence Network hinggil sa nasabing pagsusugal, kaagad sinugod ng mga elemento ng Kalibo PNP at Anti-Illegal Gambling Task Force ang lugar kung saan may mga naglalaro umano ng ‘pusoy’.

Bagama’t tumakas ang ibang nagsusugal, naaresto naman ang pitong suspek na sina Niño Magno, 35 anyos; Joren Magno, 30 anyos; Jun Tapic, 35 anyos; Franklin Armenio 42 anyos; lahat residente ng nasabing lugar;  Emerson Dela Cruz, 22 anyos; Joshua Reyes, 20 anyos kapwa mga taga Linabuan Sur, Banga; at Elna Mariño, 36 anyos ng Libas, Banga.

Kasunod nito, narekober mula sa mga suspek ang may kabuuang P5,050.00 na pera at 1 set ng baraha na ginamit umano nila sa pagsusugal.

Pansamantala silang nakapiit sa Kalibo PNP Station habang inihahanda ang kasong paglabag sa PD 1602 o Anti-Illegal Gambling Laws na isasampa laban sa kanila.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *