Categories: Trend Online

Paboritong alagang Arowana ni Mister na halos milyon ang halaga pinirito ni Misis 😭🐟

Dahil sa paulit-ulit na hindi nakikinig ang asawa sa kanyang Misis na linisin ang aquarium, napikon at pinrito ni Misis ang paboritong alagang Arowana ng kanyang Mister.

Sa isang viral na Tiktok Video na may 7.1 milyong views, makikita na may pinipritong isda ang isang Indonesian woman na si Mia Kurniawanna at may kasamang caption na:

“My husband always promises to clean the aquarium after I told him to, but he never did, so, I cleaned it myself.”

@miakurniawan01goreng arwana????##fyp♬ Singkong & Keju Cover – akhmal.dniel

Sa kanyang TikTok, pinakita niya rin na tinanggal niya ang kaliskis ng isda at nilagyan pa ng pampalasa.

“Imagine if it’s fried, it looks delicious,” sulat niya.

Ayon sa National Geographic na website, ang Asian Arowana o mas tinatawag na Dragon Fish ang pinakamahal na alagang isda sa buong mundo, kung saan ang halaga nito ay umaabot ng halos $300,000 o mahigit P15 milyon.

Sinasabi din na nagdadala ng pampaswerte at prosperity ang Dragon fish dahil sa kanilang shimmering red at gold scales, kaya ito ang pinaka-hinahangad na alagang isda.

Tinapos ni Mia ang video na pinapakita na luto na ang Arowana at sinabing “already cooked and ready to eat,” habang ginagawa ang Finger heart gesture o mas kilala bilang Korean heart na sign.

Share
Gilliane Lara

Recent Posts

  • Aklan News

Karpintero nakuhaan ng bulto ng shabu at granada sa Balete

Isang bulto ng shabu at granada ang nakuha ng mga awtoridad mula sa isang karpintero…

3 hours ago
  • Aklan News

Tricycle bumangga sa nag-u-turn na SUV

NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…

1 day ago
  • Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…

1 day ago
  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

5 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

5 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

5 days ago