Connect with us

Trend Online

Limang taong gulang na bata, inilagay ng magulang sa loob ng kahon; nahuli ng mga otoridad

Published

on

Limang taong gulang na bata, inilagay ng magulang sa loob ng kahon
📷 Screengrab/GMA News YouTube

Nahuli ng mga otoridad ang mag-asawang sinubukan ilusot ang kanilang limang taong gulang na anak at ilagay nila sa loob ng kahon sa isang checkpoint sa boundary ng San Pablo, Laguna at Tiaong, Quezon.

Ayon sa “24 Oras” ulat ni Raffy Tima nitong Miyerkules, napansin ng Highway Patrol Group (HPG) ang kahon na nakalagay sa sidecar ng mag-asawa, na nagmula pa sa Quezon.

Mas mahigpit ang restriksyon sa Laguna sapagkat nasa ilalim ito ng enchanced community quarantine (ECQ) hanggang Agosto 15, samantala ang Quezon ay nasa ilalim naman ng general community quarantine with heightened restrictions.

Ayon kay Dina Mendoza, chairwoman ng HPG na namamahala sa checkpoint, sinabi ng mag-asawa na kukuha daw sila ng gulay sa San Pablo, Laguna, at ang laman ng kahon ay mga damit lamang.

Limang taong gulang na bata, inilagay ng magulang sa loob ng kahon photo

Ngunit, nang tinignan ang laman ng kahon, sinabi ni Mendoza, “Bata ang laman. Batang lalaki at kumaway pa po sa amin”.

Matapos nito, inutusan nila Mendoza na umuwi na lamang sa kanila bahay ang mag-asawa sapagkat ipinag-babawal lumabas ang mga bata.

“Gusto maghanapbuhay siguro. Walang maiwanan sa kanya (bata), kaya sinama. Kaya lang po protocol na bawal po ilabas ang bata,”pahayag ni Mendoza.

Walang namang reklamo na isinampa ang HPG laban sa mag-asawa.

Source: GMA News

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *