Connect with us

Trend Online

KUYA KIM, PINUNA ANG PAG GAMIT NG LARAWAN NG ISANG BABAE SA IBINIBENTANG “HYPNOTIC SPRAY” SA LAZADA

Published

on

Hindi pinalampas ng TV Host na si Kuya Kim Atienza ang hindi kaaya-ayang Facebook ad ng online selling platform na Lazada.

Inihayag ni Kuya Kim ang pagkadismaya sa ginamit na larawan ng ad, kung saan makikitang nakasalampak at waring walang malay ang isang babae.

Ayon sa kaniyang Twitter post, “Shame on you @LazadaPH Do you even know what you are selling? Is this even legal? I’m calling you out. Shame.”

Napag-alaman ding ang nasabing FB ad ay para umano sa isang Hypnotic Spray na ibinebenta sa Lazada na mayroon pang voucher na nagkakahalagang P100.

Nagbigay-tugon naman agad ang Lazada at sinabing nagsasagawa na ang kanilang team ng imbestigasyon hinggil sa nasabing ad.

“Hi! Thank you for bringing this to our attention. This has already been coordinated with the relevant teams for checking and investigation. Rest assured that our team is already on top of the issue. Thank you and stay safe! –Starr,” sagot ng Lazada sa puna ni Kuya Kim.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *