Connect with us

Trend Online

Gulong ng kotse, nabutas sa nasagasaang pustiso

Published

on

Photo| Leo Padilla-Ricarte/Facebook

Viral ngayon sa social media ang kotseng nabutas dahil sa nasagasaang pustiso sa Iligan City, Lanao del Norte.

Sa isang Facebook post, ipinakita ni Leo Padilla-Ricarte ang nabutas na gulong ng kanyang kotse.

Kwento nito, napansin niya mula sa side mirror na parang may nakadikit na bagay sa gulong ng saksakyan.

Pagbaba nito, napansin niya ang pustiso na nakabaon sa gulong.

Sinubukan pa niya itong ayusin pero hindi na maayos at kinailangan niya itong palitan ng bago.

Wala nang nagawa si Ricarte kundi magpost sa social media at ipanawagan kung kaninong pustiso ito para kanyang maisauli.

“Kung sino man ang may ari ng postiso nato, hindi napo ako galit. Magpakita kalang kasi ang dami ng nagtanong at nag message kung anong brand at saan mo pinagawa,” saad pa nito sa kanyang hiwalay na FB post.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *