Connect with us

Trend Online

NURSE NA NAKA-UNDERWEAR LANG SA ILALIM NG PPE, SINUSPINDE

Published

on

Larawan ng nurse na ini-upload ng pasyente sa SocMed (Courtesy of the NYPost)

Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa Russia na umabot na sa humigit kumulang 309,000, nag-viral ang larawan ng isang nurse kung saan makikitang naka underwear lamang ito sa ilalim ng kaniyang suot na Personal Protective Equipment o PPE.

Ang nasabing nurse ay nagta-trabaho sa Tula Regional Clinical Hospital, at nakatalaga sa all-male COVID-Wing ng ospital.

Napagalaman na ang larawan ay kuha ng isang pasyente  ng ospital. Ayon sa pasyente, wala naman siyang reklamo sa kasuotan ng nurse.

Subalit hindi ito pinalampas ng mga kinauukulan. Sinuspinde ng pamunuan ng ospital ang nurse dahil for “non-compliance with the requirements for medical clothing.”

Ayon naman sa nurse, balot na balot siya ng PPE mula ulo hanggang paa at masyado na umanong mainit kung magsusuot pa siya ng damit sa ilalim nito. Hindi rin umano niya napansin na naaaninag pala ang kaniyang suot sa ilalim ng PPE.

Naglabas din ng opisyal na pahayag ang regional health ministry ng Russia. Ayon dito, “a disciplinary sanction was applied to the nurse of the infectious diseases department who violated [uniform] requirements.”

Nauna nang naiulat ang insidenteng ito sa isang local na pahayagan, ang Tula Pressa.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *