Connect with us

TODO Good Vibes

AKLANON, TOPNOTCHER SA MIDWIVES LICENSURE EXAM 2021

Published

on

Pasok sa ika-10 pwesto ang tubong Makato, Aklan na si Judilyn T. Vergara, sa November 2021 Midwives Licensure Exam (MLE).

Sa halos isang libong bagong registered midwives, kasama ang tubong Poblacion, Makato na si Judilyn T. Vergara sa may pinakamataas na rating na nakakuha ng 87.95%. Si Vergara ay produkto rin ng Makato Integrated School, at nagtapos naman ng kursong midwifery sa Iloilo Doctors’ College.


Todo Media Magazine

Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) ang resulta ng MLE nitong Nobyembre 11, 2021, kung saan 908 ang bilang ng nakapasa mula sa 1,778 na kumuha ng nasabing pagsusulit.

Ayon din sa PRC, pangalawa ang Iloilo Doctors College sa best performing schools dahil sa 88.17 passing rate nito, kung saan 82 ang nakapasa sa 93 na kumuha ng MLE.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *