Connect with us

Tech

TikTok ang pinaka downloaded app ng 2021; FB nahulog sa 2nd place

Published

on

Tiktok vs Facebook

TikTok ang most downloaded app sa buong mundo noong nakaraang taon, nalagpasan na ang Facebook at ang mga messaging platforms nito, ayon sa market tracker App Annie kahapon.

Ang Chinese-owned video app ay sumikat ng husto sa kabila ng mga pagsisikap ni former president Donald Trump na pagbawalan ito o sapilitang ibenta sa mga US-based investors, ayon sa research firm.

Ang TikTok ay pagmamay-ari ng China-based ByteDance, pinagkakatiwalaang mayroon itong 1 billion users worldwide, kasama rito ang higit 100 million sa United States at ang kanilang short-form videos ay kinahihiligan ng mga kabataan na gumagamit ng mga smartphones.

Binawi naman ni US President Joe Biden noong Hunyo ang executive order ng kaniyang predecessor na i-ban ang TikTok at ang Chinese-owned WeChat sa US markets dahil sa national security concerns, ngunit nag-utos ito na suriin ang potential threats ng foreign-owned internet services.

Habang nagkakaroon ng political debate tungkol sa video-snipet sharing platform, umakyat ang TikTok sa pang-apat na most downloaded app noong 2019 hanggang sa pinakamataas na spot noong nakaraang taon, ayon sa App Annie data.

Base dito, naapakan na ng TikTok ang Facebook at ang dalawang pinaka ginagamit na US internet texting apps, and Messenger at ang WhatsApp, ayon sa nasabing market tracker.

Dahil sa kasikatan ng TikTok, nahimok na dagdagan ng video features ang Facebook-owned na Instagram para makasabay sa hot trend na inilagay ng TikTok.

Samantala, noong nakalipas na buwan, pinapayagan nang Tiktok ang kaniyang mga users na magpost ng mga videos na hanggang tatlong minuto, para manatiling sa unang pwesto laban sa mga kakumpitensya nito.

Source: ManilaTimes.Net