Connect with us

Tech

Smart, naglabas na Smart Bro Rocket Sim na mayroong 30 days ng Unli Data

Published

on

smart-bro-rocket-sim

Kalalabas lang ng Smart ng kanilang bagong Smart Bro Rocket SIM. Ang bagong SIM card ay nagbibigay ng 30 days na unlimited data para sa introductory price sa halagang Php 499.

Ang mga subsribers ng Smart Bro Rocket SIM ay magkakaroon ng 30 days ng Unli Data na walang restriction tulad ng data capping, o speed-throttling. May minimum speed connection ito na 48kbps at maximum speed hanggang 42Mbps at 80 percent reliability.

Pinahayag rin ng Smart na ang speed experience ay depende sa type ng iyong device na ginagamit, network signal, at current subscriber’s traffic. Dagdag pa dito, ang speed ay maaring mag iba kada lugar.

Pag na tapos na ang 30 days ng Unli Data, ang mga subscriber ay pwedeng mag register sa iba pang data offers gamit ang GigaLife App. Ang GigaLife ay pwedeng i-download sa Android at iOs.

Pwedeng gamitin sa kahit anong SIM-enabled device. Ang Smart Bro Rocket SIM ay available sa Smart Online Store at Smart Flagship Store sa Lazada, at sa susunod ay available na siya sa mga accredited retailers nationwide.

Source: Yugatech

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *