Categories: Tech

SATELLITE PHONES AT SERVICES PARA SA MGA LUGAR NA WALANG SIGNAL, MABIBILI NA ONLINE

Wala bang signal ang mga cellphone ninyo? Kung kayo ay nasa malalayong lugar at hirap na makasagap ng signal, mayroon nang ibang paraan upang makipag-communicate sa inyong mga mahal sa buhay.

Ayon sa inilabas na pahayag ng Smart Communications, mabibili nyo na ang SmartSAT XT Lite satellite phone at ang SmartSAT XT Lite SIM. Ang handset kasama na ang exclusive na sim card at mga top up cards ay pwede nyo na umanong ma-order sa mga e-Commerce sites na Lazada at Shoppee.

“As we all know, communication can mean life and death during emergencies and disasters. We want to make sure our customers can conveniently access our satellite products so that we can help them prepare for unforeseen events,” ani Alice Ramos, ang vice president for International Roaming and Consumer Business ng Smart.

Mas malawak umano ang coverage ng mga satellite phones kaya naman maaari itong magamit kahit sa mga lugar na mahina o walang cellular coverage.

Dagdag pa ng Smart, akmang gamitin ang mga satellite phones sa labas o kahit sa laot.  Maaari rin itong gamitin tuwing may sakuna.

Matatandaang pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan ang panukala na layong bigyan ng access ang internet service providers sa mga satellite systems.

Pahayag naman ng Converge ICT, isang provider ng fiber broadband, nakikipag-ugnayan na sila sa kumpanya ni Elon Musk upang makagamit ng low-orbit satellite technology na Starlink na inaasahang magpapabuti sa kalidad ng koneksyon sa Pilipinas.

Base sa tala, bumilis noong Pebrero and internet sa bansa.  Nagtala ang Pilipinas ng 26.24 Mbps na internet speed kaya umakyat ito sa ika-83 pwesto sa listahan ng may pinakamabibilis na internet speed sa mundo

Share
Glesi Lyn Sinag

Position: Production Director/Editor Years/background in Media works: 4 YearsWhy choose this profession: Mass media is a kind of industry wherein I can efficiently share my knowledge, skills, and insights to a large group of people. It is fast-paced, dynamic, and competitive. Because I thrive in handling pressure and I don’t shy away from going the extra mile to produce exemplary projects, a career in mass media is the perfect way for me to live and make a living.Principle in life: Quaeram dum inveniam "I shall seek until I find it."

Recent Posts

  • Aklan News

Karpintero nakuhaan ng bulto ng shabu at granada sa Balete

Isang bulto ng shabu at granada ang nakuha ng mga awtoridad mula sa isang karpintero…

6 hours ago
  • Aklan News

Tricycle bumangga sa nag-u-turn na SUV

NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…

1 day ago
  • Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…

1 day ago
  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

5 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

5 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

5 days ago