Connect with us

Tech

SCIENTIST SA HONG KONG, NAG-DEVELOP NG RETINAL SCAN TECHNOLOGY NA MAAGANG MAKATUTUKOY NG AUTISM SA MGA BATA

Published

on

perchek-industrie-iXspFCVXoaw-unsplash
Sa pamamagitan ng pag-scan sa mga mata , maaga nang matutukoy kung ang inyong anak ay may autism. Larawan mula sa kay Perchek Industrie sa Unsplash

Nakapag-develop ang isang scientist sa Hong Kong ng  isang paraan upang magamit ang machine learning at  artificial intelligence sa pag-scan ang retina ng mga batang edad anim pataas.  Sa pamamagitan nito, matutukoy nang maaga kung ang bata at may autism o may risk ng autism.

Ayon kay Benny Zee, isang propesor sa Chinese University of Hong Kong,  ang Retinal Eye scanning ay makatutulong upang mapagibayo ang maagang pagkatuklas sa autism ng bata nang sa gayon ay maaga rin silang malapatan ng kaukulang gamutan.

“The importance of starting early intervention is that they are still growing, they are still developing. So there is a bigger chance of success,” ayon kay Zee.

Ang kanyang paraan ay gumagamit ng high resolution camera na may bagong computer software upang pag-aaralan ang combinasyon ng iba’t ibang mga salik tulad ng fibre layers at blood vessels sa mata.

70 bata ang sinuri gamit ang naturang teknolohiya.  46 sa mga ito ang may autism at 24 naman ang control group.  Base sa testing na ginawa, 95.7 porsyento na natukoy nang tama ng nasabing teknolohiya ang mga batang may autism.  Ang average na edad ng mga sinuri ay 13, at ang pinakabata sa mga ito ay 6 taong gulang.

Ang mga findings ni Zee ay inilathala sa EClinicalMedicine, isang peer-reviewed medical journal.

Tinanggap ng mga autism specialists ang findings ni Zee, subalit hindi pa rin umano dapat iwalang bahala na mayroon pa ring stigma na kaakibat ng autism.  Karaniwan umanong hindi tanggap ng mga magulang na ang kanilang anak ay may autism, kahit na may nakikita namang mga senyales.

“Many times, parents will initially be in denial,” ani Dr Caleb Knight, may-ari ng isang pribadong autism therapy centre.

“If you had a medical test or biological marker like this, it might facilitate parents not going into denial for longer periods and therefore the child would get treatment more quickly.”

Ayon sa isang pahayag mula sa Hong Kong government,kinakailangan pang maghintay ng hanggang 80 weeks ang mga batang may autism bago sila makapunta sa espesyalista sa public medical sector,

Ayon kay Zee, layon ng kanyang mga teknolohiya na maging dagdag na diagnostic tool sa professional assessment ng lisensyadong healthcare professionals.

Position: Production Director/Editor Years/background in Media works: 4 YearsWhy choose this profession: Mass media is a kind of industry wherein I can efficiently share my knowledge, skills, and insights to a large group of people. It is fast-paced, dynamic, and competitive. Because I thrive in handling pressure and I don’t shy away from going the extra mile to produce exemplary projects, a career in mass media is the perfect way for me to live and make a living.Principle in life: Quaeram dum inveniam "I shall seek until I find it."

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *