Connect with us

Tech

30,000 VIDEO NA NAGBIBIGAY NG MALING IMPORMASYON TUNGKOL SA BAKUNA KONTRA COVID-19, TINANGGAL NG YOUTUBE

Published

on

Larawan mula sa thenextweb.com

Inilahad ng isang tagapagsalita ng YouTube na inalis nila mula sa video sharing platform ang mga video na sumasalungat sa mga impormasyong ibinabahagi ng World Health Organization (WHO) at iba pang health authorities tungkol sa mga bakuna kontra COVID-19.

Halimbawa nito ay ang mga video na nagsasabing ang bakuna laban sa COVID-19 ay nakamamatay, nakakabaog, o nagtataglay ng microchip na ipapasok sa katawan ng magpapabakuna.

Sa mga unang yugto ng pandemya, nagkalat din sa YouTube ang mga conspiracy theories tungkol sa COVID-19, gayundin ang mga lunas na pawang wala namang katotohanan.

Sa kabila ng ipinatutupad na ban sa mga ganitong uri ng content, malaking hamon pa rin para saYouTube at iba pang social media platforms ang pagbabantay, paghahanap,at pagbura ng mga videos.

Umabot na umano sa mahigit 800,000 videos na nagpapakalat ng mga maling imporasyon tungkol sa coronavirus ang tinanggal din ng YouTube noong nakaraang taon.

Position: Researcher/Writer Years/background in Media works: 3 YearsWhy chose this profession: This profession has opened my eyes to the realities of life. Being in media allows me to have a better understanding of humanity, and appreciate the beauty of both its struggles and triumph. As a media practitioner, I'd like to believe that I bring light to the world by imparting my skills and knowledge, and by sharing valuable information. Principle in life: I've always been a strong believer that there is goodness in everyone. And if you see something good and beautiful in a person, you gotta say it. The person deserves to know that someone appreciates him.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *