Connect with us

Tech

KAHOL NG ASO, MAAARI NANG MAINTINDIHAN GAMIT ANG SMART COLLAR

Published

on

petpul smart collar
Naiintindihan na ng mga amo ang nararamdaman ng kanilang mga alagang aso sa pamamagitan ng isang smart collar device na kayang i-translate ang kahol ng aso. Larawan mula sa petpuls.net

Maaari mo nang maintindihan kung ano ang nararamdaman ng iyong alagang hayop gamit ang bagong imbentong smart collar.

Naimbento ng Petpuls, isang kompanyang naka-base sa South Korea, ang isang smart collar na kayang tukuyin at ipaintindi ang emosyon ng aso sa pamamagitan ng pag-translate ng mga kahol nito.

Limang emosyon ng aso ang kayang kilalanin ng AI-enabled voice recognition technology nito.

Ayon pa sa product description ng Petpul, mayroon din umano itong accelerometer sensor kung saan maire-record ng collar ang mga kilos ng iyong aso at mabibilang ang calories na na-burn ng iyong alaga kapag nag-e-exercise.

“The collar uses “a proprietary algorithm in combination with a database of more than 10K bark samples from 50 breeds of dogs in four different sizes” in order to detect what your dog is feeling with an 80% accuracy rate,” ayon sa website ng Petpul.

Kaya nitong malaman kung ang iyong alaga ay masaya, relaxed, balisa, galit, o malungkot.

Ayon sa director of global marketing ng Petpuls Lab na si Andrew Gil, binibigyan ng device na ito ng boses ang mga aso upang mas maintindihan sila ng mga tao.

Taong 2017 pa nang magsimulang mangolekta ng mga bark samples at ang Petpuls.  Noon nakaraang taon nila idinebelop ang algorithm para sa collar.

Gumagawa na rin ang Petpul ng mobile app na maaaring mag-pair sa collar ng aso upang ma-monitor ng kanilang mga amo ang “emotional status and physical activity” ng mga alaga.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *