Connect with us

Tech

DOST AT TIKTOK, PUMIRMA NG MOU UPANG I-PROMOTE ANG SCIENCE INNOVATION SA PINAS

Published

on

Larawan mula sa yugatech.com

Nakipagtulungan ang Department of Science and Technology (DOST) sa short-video platform na TikTok upang maipalaganap ang mga teknolohiyang gawang-Pinoy.

Sa virtual launch ng proyekto, pumirma ng Memorandum of Understanding ang Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology Research and Development (PCIEERD) ng DOST kasama ang TikTok upang mai-promote ang mga teknolohiyang Pinoy sa pamamagitan ng TikTok account na @pinoyscience.

Ayon sa executive director ng PCIEERD na si Enrico Paringit, ang kolaborasyon na ito ay lubos na makatutulong sa scientific community.

“Communicating science to the public has always been a challenge for our researchers. As a leader and partner in enabling innovations, we are excited with this collaboration with TikTok as a new avenue for us to share distinctly Pinoy innovations through this social media platform,” ani Paringit.

Ang partnership sa pagitan ng DOST at TikTok ay magtatagal ng anim na buwan. Sasailalim ang mga researchers sa mga pagsasanay na isasagawa ng TikTok at tuturuan sila kung paano gamitin ang nasabing platform upang mag-promote ng teknolohiyang Pilipino, magpapakalat ng mga impormasyon tungkol sa siyensya, at magsasagawa ng mga pa-kontest para sa Filipino TikTok community.

Ang unang patimpalak ay gagawin gamit ang #PinoyInnovator. Layon ng hashtag challenge na ito na ipakita ang pagiging malikhain at mapamaraan ng mga Pinoy. Sa challenge na ito, kailangang lumikha ng mga kakaiba at kapaki-pakinabang na imbensyon ang mga kalahok gamit ang mga bagay na karaniwang makikita sa loob ng bahay. Ang mga magwawagi ay tatanghaling “Pinoy Science Innovator 2021” at idedeklara ang pangalan ng mga panalo sa Abril 2021.

Ang isa pang patimpalak na ilulunsad ay ang #PinoyScience hashtag challenge kung saan kailangan ipaliwanag ng mga TikTok users ang siyensiya sa likod ng mga mga scientific projects na sinusuportahan ng PCIEERD. Tatakbo ang kontest mula Abril hanggang Hulyo sa taong ito. Tatlo ang mananalo bawat buwan at magsisimula ang pagdedeklara ng mga nagwagi simula Mayo 2021.

We are grateful for the opportunity to partner with the DOST PCIEERD to help promote awareness and understanding for science and innovation, as well as inspire the Filipino youth to discover their creativity and talents. Inspiring creativity and bringing joy is at the heart of what we do at TikTok,” ani Kristoffer Rada, head for public policy ng TikTok.

“TikTok is committed to helping facilitate education and learning in the Philippines. Through our #LearnOnTikTok series, we will be working with creators to produce more educational content on the platform,” dagdag pa niya.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *