Tech
FACEBOOK, MAGLALABAS NG SARILING SMARTWATCH

Published
2 weeks agoon

Kasalukuyan umanong gumagawa ang Facebook Inc. ng sariling bersyon nito ng smartwatch. Pangunahing tampok ang mga health and fitness features dito. Target ng social media giant na mailabas sa merkado ang nasabing smartwatch sa susunod na taon.
Ang smartwatch ay gagana sa pamamagitan ng cellular connection, kung saan ang mga gumagamit nito ay makakapagpadala ng mga mensahe sa pamamagitan ng mga serbisyo nito. Kaya rin nitong kumonekta sa mga health and fitness companies.
Matagal nang pinag-aaralan ng Facebook ang paggawa at paglabas ng iba pang kahalintulad na mga produkto gaya ng virtual reality headset Oculus at video chatting device Portal.
Gayun pa man, hindi pa nagbibigay ng pahayag ang Facebook hinggil dito.
You may like
-
REKLAMO SA MABAGAL NA INTERNET CONNECTION, IPINA-DIYARYO
-
SpaceX ni Elon Musk, planong magpadala ng “all-civillian” mission para umikot sa Earth
-
MGA PINOY, NANGUNGUNA PA RIN BILANG MOST ACTIVE INTERNET AT SOCIAL MEDIA USERS SA BUONG MUNDO
-
ISA SA PINAKAMABILIS NA SASAKYAN SA MUNDO, IPINAGBIBILI NA
-
PAG-IIBIGANG NAGSIMULA SA DATING APPS, MAS TUMATAGAL AYON SA PAG-AARAL
-
NOMOPHOBIA, TAKOT NA DULOT NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA