Connect with us

Tech

PROTOTYPE NA ELECTRIC WHEELCHAIR, BUMANGGA HABANG TINI-TEST

Published

on

Prototype S-Pod sa nakaraang Consumer Electronic Show. Larawan mula sa www.google.com/images

Bumangga sa pader ang prototype ng S-Pod, isang self-balancing electric wheelchair na inilabas ng kumpanyang Segway sa isang demonstration sa isang  Consumer Electronic Show  (CES).

Ang S-Pod na may maximum speed na 24mph (38km/h) ay gamit ng isang mamamahayag nang maganap ang aksidente. Ayon sa kumpanya, walang nasaktan sa insidente.

Dahil sa nangyari, pansamantalang nahinto ang mga susunod na demos ng S-Pod, ngunit hindi naman umano ito makaaapekto sa kumpanya.

Saad ni Ross Rubin, principal analyst ng Reticle Research, “In no way is a [malfunction] a total loss. It is still a sign to the public that the company is close to the finished product.”

Pahayag naman ni Jeff Wu, director of marketing ng Segway, wala umanong safety belt ang S-Pod sa concept model nito, pero layon ng kumpaniya idagdag ito sa disenyo.

Ang S-Pod ay dinisenyo upang magamit sa mga lugar gaya ng paliparan at theme parks. Inaasahan ding mailalabas na ito sa merkado sa 2021.


Source:
https://www.bbc.com

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *