Connect with us

Tech

Dambuhalang asteroid, maaaring tumama sa mundo – NASA

Published

on

Larawan mula sa www.google.com/images

Isang higanteng asteroid na pinangalanang JF1ang maaaring bumagsak sa mundo  ayon sa National Aeronautics and Space Administration (NASA). Ito ay halos kasinlaki umano ng Great Pyramid of Giza, at sinasabing tatama sa ika-6 ng Mayo, taong 2022.

Nasa 0.026%  lamang o o  isa sa bawat 3,800  ang posibilidad na tumama ito sa mundo, subalit kapag nagkataon, ay magiging mapaminsalang pangyayari.

Ang sinasabing asteroid ay may lakas na katumbas ng pagsabog ng isang 230 kilotons  ng trinitrotoluene o TNT. Ito ay mas malakas ng 15 beses sa atomic bomb na may lakas na 15 kilotons  na puminsala sa lungsod ng Hiroshima noong 1945.

Kung sa Pacific Ocean naman umano ito babagsak, maghahatid naman ito ng mga mapaminsalang tsunamis  at “nuclear winter.”

Simula nang matuklasan noong 2009 ang maaaring maging mapaminsalang Asteroid Jf1, patuloy ang pagbabantay ng NASA Jet Propulsion Laboratory dito sa pamamagitan ng Sentry na isang “highly automated collision monitoring system that continually scans the most current asteroid catalog for possibilities of future impact with Earth over the next 100 years.”

Ayon sa mga siyentipiko, ang dambuhalang asteroid ay may sukat na aabot sa 420 talampakang lapad at 130 metro naman ang diameter nito.

Source: https://technology.inquirer.net

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *