Connect with us

Tech

Sariling telco na patatakbuhin ng gobyerno, isang posibilidad – Honasan

Published

on

Larawan mula sa www.google.com/images

Makipagsabayan sa malalaking telco, sa pamamagitan umano ng pagpapatakbo ng sariling telco ng gobyerno.  Ito ang pahayag ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Gregorio “Gringo” B.  Honasan II.

Sa kabila ng pagpasok ng ikatlong telco sa bansa na Dito Telecommunity, tinitingnan pa rin umano ng ahensya kung maaari pang magpapasok ng ikaapat o ikalimang telco sa bansa. Bukas din umano sila sa posibilidad na magkaroon ng telco na pangangasiwaan ng pamahalaan. Ang Dito Telecommunity ay kasosyo ang China Telecom na isang a Chinese state-run company.

Pahayag pa ni Honasan sa isang panayam ng “We’ll look at it, but there’s also a possibility that technically, government will become another telco. We will supervise that definitely, technically… Anything as strategic as telecoms, especially when you move into cybersecurity, has to be managed well by government,”

Nilinaw naman ni Honasan na susuriin ng pamahalaan ang operasyon ng Dito sa loob ng 18 buwan. Inaasahan ang bugso ng mga subscribers sa bagong telco.

Saad pa ni Honasan, “Let’s conduct a performance audit on what the third telco, Dito, will do sa first and second quarter. Kapag maganda ang performance nila [If they perform well], then we’ll look at the possibility of a fourth and a fifth telco,”

Nagbayad ang Dito Telecommunity ng ₱25.7-billion performance bond sa pamahalaan bilang patunay sa kanilang pangakong magbigay ng internet power speed na 27 megabits per second (Mbps) sa 37% ng populasyon ng bansa. Maaari silang tanggalan ng pamahalaan ng karapatan na magpatuloy sa pagpapatkbo ng kanilang telco kung hindi nila maibibigay ang kanilang pangakong mabilis na internet pagsapit ng July 8, 2020. Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay may  average mobile internet download speed na 7 Mbps at ang average upload speed naman ay 2 Mbps. Ayon ito sa ulat noong May 2019 ng international analytics company Opensignal.

Source: www.cnnphilippines.com

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *