Connect with us

Sports

MAVERICKS, BIGONG MANALO KONTRA GSW SA KABILA NG KAWALAN NI STEPHEN CURRY DAHIL SA INJURY

Published

on

By

Photo: Golden State Warriors/FB

Naungusan ng Golden State Warriors ang Dallas Mavericks sa puntos na 119-113 sa huling laban nila sa Chase Center, San Francisco California, Pebrero 4, 2023.

Sa unang 26 minuto ng laro, nakakuha ng 21 puntos si Stephen Curry at 17 puntos naman si Draymond Green. Sa nalalabing 2:01 na minuto ng third period ay nanguna ang Warriors sa score na 98-76.

Pinatawan ng foul si Curry nang sumalpok ang kaliwang tuhod nito sa kanang tuhod ni Mckinley Wright IV ng Dallas. Inanunsyo ng Warriors sa fourth quarter na magkakaroon ng kasunod na MRI si Curry sa Sabado ng gabi o sa Linggo.

Nakasungkit ng 116-108 na score ang Mavericks matapos ang dalawang free throws galing kay Spencer Dinwiddie sa natitirang 2:16 minuto ng laro.

Nagkaroon ng dalawang pagkakataon ang Dallas upang mapaglapit ang kanilang score sa pag-alis ni Curry ngunit pumalya si Dinwiddie sa 3-pointer at si Dorian Finney Smith naman ay hinarang ni Green ng sya ay mag long-distance attempt.

Nagkaroon ng 116-111 na magkadikit na score ang magkabilang team matapos maka 3 points si Tim Hardaway Jr.

Nakapagtala si Curry ng 7-for-11 shot. 6 na rebounds at 7 assists para sa Warriors, na nakadhilanan upang mag improve ang kanilang home record sa 20-6.

Umiskor naman sina JaMychal Green (14 puntos), Jonathan Kuminga (13) at Donte DiVincenzo (13). Samantala ang mga starter na sina Thompson at Looney ay nakakuha ng 14 at 10 puntos.

Nag-ambag din si Finney-Smith na may 18 puntos at 6 na rebounds, habang nagdagdag si Josh Green ng 12 puntos, Jaden Hardy (11 puntos),at Dwight Powell (10 puntos).

Via: Cedreyk B. Iguiron, Trainee

With reports from: Philippine Inquirer

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *