Connect with us

Sports

KD kinatay ang Bucks sa Game 2

Published

on

bucks vs nets game 2

Brooklyn Nets panalo sa game two na may final score 125-86 laban sa Bucks matapos maka score si Kevin Durant ng 32 points sa loob lamang ng tatlong quarter. Nets 2-0 na, leading sa NBA Eastern Conference Semifinals.

Kahit wala si Harden ngayong game two dahil sa hamstring injury, hindi ito naging problema kila Kevin Durant at Kyrie Irving na walang mintis na tinambakan ng puntos ang third-seed na Bucks sa laro ngayong umaga.

Sa loob ng 33 na minuto, nakapagtala si Durant ng 12 out of 18 shooting, at naka apat na 3-pointers, 4 na rebound, at 6 na assist. Si Kyrie Irving naman ay nakapuntos ng 22 sa kaniyang 9 out of 17 na shots, na may 6 na assist.

Tinapos ni Kevin Durant ang kaniyang third quarter sa pamamagitan ng pag reverse layup sa pag-ikot kay Giannis Antetokounmpo na may natitira pang 4.8 na sekundo. Ito ay nag bigay sa Brooklyn ng 95-65 lead.

Samantala, ang two-time NBA MVP na si Giannis Antetokounmpo ay hindi nabuhat ang kaniyang team na may 18 na puntos lamang at 11 na rebounds. Si Kris Middleton naman ay dumagdag ng 17 points pero hindi niya na ipasok ang unang walong shots niya at naka puntos lamang ng 8 out of 20.

Sinira ng Nets ang depensa ng Bucks ngayon, na mayroong 52% shot na nanggaling sa field at mayroong 21 out of 42 sa three-point range.

Natapos ang laro na may 39 na lamang sa puntos ang Nets laban sa Bucks. Sigarudong ang momentum ay nasa Brooklyn Nets habang kailangan makita ng Bucks ang solusyon sa kanilang problema sa susunod na laro na gaganapin sa home court ng Milwaukee Bucks.

Advertisement

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *