Connect with us

Sports

Gymnast Yulo at Boxer Petecio instant milyonaryo

Published

on

Carlos Yulo and Nesthy Petecio. Photo courtesy from Manila Bulletin

Matapos bigyan ng karangalan ang bansa, makakatanggap ang mga Filipino athletes ng cash incentives mula sa Philippine Sports Commission (PSC).

Sa isang press conference, pinahayag ni PSC Chairman Butch Ramirez na makakakuha ng tig-1 million pesos sina Gymnast Carlos Yulo at Boxer Nesthy Petecio.


Nitong Sabado, nasungkit ni Yulo ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa ginanap na 49th Artistic Gymnastic World Championships sa Stuggart, Germany.

Nakuha rin ni Petecio ang gold medal sa AIBA Women’s World Boxing Championship sa Ulan-Ude, Russia kasunod ng pagkapanalo ni Yulo.

Makakasama nina Yulo at Petecio si pole vaulter na si EJ Obiena, weighlifter na si Hidilyn Diaz at skateboarder na si Margielyn Didal na sasabak sa Tokyo 2020 Olympics at makapagbibigay ng gintong medalya para sa bansa.

Samantala, makakatanggap naman ang boxer na si Eumir Marcial mula sa gobyerno ng P500,000 matapos makuha ang silver medal sa Aiba World Boxing Championships na naganap sa Russia.

Source: CNN Philippines

Position: Production Staff Years/background in Media works: 4yearsWhy chose this profession:Mass Communication helps me in building my personality and overcome my shyness. I can now see my improvement because I am now comfortable in speaking and socializing with people. Principle in life: Never give up on something you really want. It's difficult to wait but it's more difficult to regret.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *