Categories: Sports

Filipina figure scater na si Sofia Frank, nasungkit ang 3rd place sa Colorado Springs Invitational

Nitong Sabado (Colorado time), naka-abot sa pangatlong spot ang Filipina figure skater na si Sofia Frank sa Colorado Springs Invitational na ginanap sa Monument Colorado.

Sa free skate event, nakakuha siya ng 90.13 na score, at nasungkit niya ang third place sa 12 niyang mga kalaban, kung saan nangunguna si Courtney Hicks na may score na (100.53), at si Sonja Hilmer naman ang 2nd placer na may score na (95.85).

Sa isang short program na ginanap noong Biyernes, nakuha niya pa rin ang 3rd place sa walo niyang competitors na may score na 45.4. Habang si Hilmer naman ang nasa 1st place na may score na 61.32, at si Hicks ang nakasungkit ng 2nd place na may 53.55 na score.

Irerepresenta ni Frank ang Pilipinas kasama si Edrian Paul Celestino, sa Nebelhorn Trophy na gaganapin sa Germany pagdating ng Setyembre 22 hanggang 25.

Ang Nebelhorn Trophy ay isang qualifying tournament para sa 2022 2022 Beijing Winter Olympics.

(Source: GMA News)

Share
TMS

Recent Posts

  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

1 day ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

1 day ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

1 day ago
  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

4 days ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

6 days ago