Connect with us

Sports

FEU Cheering Squad, itinanghal na kampeon sa ginanap na UAAP Season 84 Cheerdance Competition

Published

on

Itinanghal na kampeon ang FEU Cheering Squad sa ginanap na UAAP Season 84 Cheerdance Competition sa SM MOA Arena sa Pasay City ngayong araw.

Nagpamalas ng pulidong stunts, tosses, pyramids, at choreography ang FEU sa kanilang routine na inspired ng sikat na rock band na “Queen.”

Kabilang sa mga itinanghal nilang kanta ng Queen ay ang “Bohemian Rhapsody” at “I want to Break Free.

Ito ang ikatlong UAAP CDC title ng FEU. Taong 2009 nang huli nilang makuha ang kampeonato.

Itinanghal na First Runner Up ang Adamson Pep Squad sa awarding ceremonies habang idineklarang 2nd runner up naman ang National University Pep Squad.

Ang UAAP Season 84 ang itinuturing na comeback ng collegiate competition na ito matapos matengga ng dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic.

Larawan mula sa UAAP Season 84 Media Team

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *