Connect with us

Sports

Kobe Paras, namaalam sa Fighting Maroons para muling subukan ang kapalaran sa ibang bansa

Published

on

Photo| UP Fighting Maroons Twitter

Nagpaalam na sa University of the Philippines at sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) si Kobe Paras.

Ang sports management firm na East-West Private (EWP) na nakabase sa America na ang hahawak sa basketball career ni Kobe.

Inanunsiyo ng EWP nitong April 20, na pinirmahan na ng 23-year-old basketball player ang kontrata sa kanilang kompanya.

“Let tomorrow be your second chance to prove that you are better than today and yesterday. Welcome to the family Kobe,” pahayag pa ng EWP.

Sinabi naman ng dating coach ni Kobe na si Bo Perasol, na suportado nito ang pag-alis ni Paras sa bansa, nagpasalamat rin ito sa paglalaro ni Kobe ng buong puso para sa koponan ng Fighting Maroons.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *