Connect with us

Sports

SASAKYAN NI GOLFING LEGEND TIGER WOODS, GUMULONG AT NAG-CRASH SA GILID NG KALSADA: WOODS, SASAILALIM SA OPERASYON SA BINTI

Published

on

Nakahiga sa tabi ng daan ang sinasakyang SUV ni Tiger Woods. Wasak ang harapang bahagi nito. Larawan mula sa the-sun.com

Isinugod sa ospital si golfing legend Tiger Woods ngayong umaga matapos gumulong ang kanyang sinasakyang SUV sa gilid ng kalsada.

Bandang 7:12 ng umaga US time nang rumesponde ang The Los Angeles County Sheriff’s Department sa may kahabaan ng Rolling Hills Estates at Rancho Palos Verdes sa California.

Ayon sa LA County Sheriff’s deputy, isang tow truck ang humila sa sasakyan ni Woods na nagtamo ng “major damage.” 

Matapos ang retrieval ng sasakyan ay gumamit naman ang mga paramedics ng jaws of life upang matanggal si Woods, sa loob ng kotse.  Nag-iisa lamang si Woods sa sasakyan. 

Isinugod ang golfer sa Harbor-UCLA Medical Center sakay ng ambulansya at ayon sa mga opisyal na nagresponde, hindi naman life-threatening ang mga pinsalang kanyang natamo.

Ayon naman sa agent ni Woods, nagkaroon ito ng multiple leg injuries tulad ng basag na bukong-bukong at dalawang bali sa binti.  Isa sa mga bali niya at compound kaya kinailangang sumailalim ni Woods sa operasyon.

Ayon pa sa sheriff’s deputy, nailigtas ang buhay ni Woods dahil sa seat belt na kanyang suot at sa airbag na na-activate nang mangyari ang crash.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot si Woods sa car crash.  

Position: Production Director/Editor Years/background in Media works: 4 YearsWhy choose this profession: Mass media is a kind of industry wherein I can efficiently share my knowledge, skills, and insights to a large group of people. It is fast-paced, dynamic, and competitive. Because I thrive in handling pressure and I don’t shy away from going the extra mile to produce exemplary projects, a career in mass media is the perfect way for me to live and make a living.Principle in life: Quaeram dum inveniam "I shall seek until I find it."

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *