Connect with us

Sports

American boxer Ryan Garcia, posibleng makakalaban ni Pacquiao ngayong 2021

Published

on

Photo Courtesy: King Ryan Instagram

Posibleng makakabakbakan ni pambansang kamao  Manny Pacquiao si WBC Interim Ligthweight Champion Ryan Garcia ngayong taon 2021.

Dahil sa kumalat na mga balita sa social media ang pag-anunsyo di umano ni Garcia sa kanyang Instagram ng kaniyang nalalapit na laban.

Sinabe ni Garcia na “DREAM COME TRUE” ito sa kanya dahil makakatunggali nito ang eight-division world champion sa larangan ng boksing.

“dream turned reality ✨👊🏽 It’s an honor to share the Ring with @mannypacquiao I will always respect what you did in and out the ring. Here’s to the best Man Winning 🥊”, caption sa Instagram post ni Ryan Garcia.

https://www.instagram.com/p/CKckF3JhFPY/?utm_source=ig_embed

Ngunit, hindi pa ito kumpirmado sa kampo ni Pacquiao. Aniya, pinaplantsa na lamang ang ilang mga bagay bago tuluyang ihayag sa publiko ang kabuuan ng detalye anumang araw ngayong Linggo.

“Ipa-finalize na namin this week. Kapag na-finalize na saka namin ia-announce kung sino ang makakalaban (ko sa next fight),” sabi ni reigning World Boxing Association (WBA) welterweight king Pacquiao.

Ang American boxer na si Garcia ay nagmula sa golden boy promotions at wala pang talo sa 21 laban nito.

Position: Production Staff Years/background in Media works: 4yearsWhy chose this profession:Mass Communication helps me in building my personality and overcome my shyness. I can now see my improvement because I am now comfortable in speaking and socializing with people. Principle in life: Never give up on something you really want. It's difficult to wait but it's more difficult to regret.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *