Connect with us

Aklan News

Mga pambato ng Aklan sa Open Int’l Virtual India Taekwondo League, sumipa ng 10 medalya kabilang ang 4 ginto

Published

on

Nagpamalas ng pambihirang galing ang mga batang Aklanon na karatekas nang sumipa ang mga ito ng 10 medalya sa ginanap na India Taekwondo League 2020 Open International Championships (Virtual Competition) noong December 12-13.

Nagtulong-tulong sina Tracy Johan Retubis, Stephanie Nicole Clemente, Francine Daylle Clarito at Bianca Erycha Mationg para masungkit ang 2 gold medal, 1 silver at 1 bronze sa Female Junior Individual Poomsae.

Sinipa rin nilang apat ang dalawang ginto, isang pilak at isang tansong medalya sa Female Junior Kyorugi Combinations.

Di rin nagpahuli si Shaun Kiefer Lacanaria nang kubrahin nito ang isang pilak na medalya sa Male Junior Kyorugi Combinations at isang tanso sa Male Junior Individual Poomsae.

Paglalahad ng mga batang atleta mula sa Regional Science High School for Region VI, ang kanilang sikreto sa tagumpay ay ang pag-enjoy at pagiging masaya sa kanilang ginagawa.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *