Sports
OLYMPIAN HIDILYN DIAZ, PAYAG ISAILALIM SA QUARANTINE

Published
9 months agoon

Payag umano si Weightlifting star Hidilyn Diaz na sumailalim sa 14-day quarantine kapag nakauwi na ito ng Pilipinas matapos ma-stranded sa Malaysia nang maabutan ng lockdown habang naghahanda sa Tokyo Olympics.
Mahigpit na isinasagawa ng gobyerno ang 14-day quarantine sa mga taong papasok ng bansa upang masiguro na wala silang sakit mula sa COVID-19.
Hiling ni Diaz na sana ay may barbell sa hotel kung saan siya iku-quarantine para makapag-ensayo dahil dalawang linggo rin umano siyang natigil sa ensayo sa Malaysia nang maabutan ng lockdown at pinaalis sila sa stadium kaya’t parang balik sa una ang lakas niya.
Ikinatuwa niya umano nang makabili siya ng barbell online sa Malaysia kaya kahit paano umano ay naipagpatuloy niya ang ensayo sa hotel na pansamantala nilang tinutuluyan.
Sa ngayon, sinabi ni Diaz na hindi pa niya alam kung kailan siya makauuwi dahil hinihintay pa umano nilang makapasok din sa Pilipinas ang American at Chinese coaches niya.
Umaasa itong makakapasok sila at kung sakaling ma-quarantine ito ay sana may barbell itong gagamitin, ayon kay Diaz.
You may like
-
AKLAN, MAY 146 ACTIVE CASES NG COVID-19
-
LGU LIBACAO, NAGPAALALA SA MAG MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA HEALTH PROTOCOLS SA MGA PAMPUBLIKONG TRANSPORTASYON
-
ILANG BAHAGI NG POBLACION, MAKATO, ISINAILALIM SA ‘TEMPORARY LOCKDOWN’ PARA SA CONTACT TRACING
-
GATAS NG ISANG INA, NAGKULAY BERDE MATAPOS MAGKA-COVID
-
LSI lumabas sa quarantine facility para dumalo sa birthday party
-
BREAKING NEWS: Mula isa hanggang umabot sa mahigit 41 call center agents sa Bacolod, nagpositibo sa COVID-19