Connect with us

Sports

2 MANLALARO NG LAKERS AT 1 MULA SA BOSTON CELTICS POSITIBO SA COVID-19

Published

on

Photo courtesy| Jae C. Hong/Associated Press

Tatlong miyembro pa ng NBA ang nadagdag sa listahan ng nag-positibo sa COVID-19 galing sa koponan ng Boston Celtics at Lakers.

Isinailalim sa COVID-19 test ang hindi pinangalanang mga manlalaro dahil sa pagka-expose ng mga ito sa isang positive case.

Walang sintomas na nakita sa mga manlalaro ng Celtics ngunit isinailalim ang mga ito ngayon sa isolation.

May ilan pang mga player ang isinailalim sa test at hinihintay pa na lumabas ang resulta.

Kaligtasan at kalusugan lamang ng kanilang manlalaro ang gustong tiyakin ng koponan at ito umano ang prayoridad nila sa ngayon. Samantala sa hiwalay na pahayag ,sinabi ng koponan ng Los Angeles Lakers na dalawang manlalaro nila ang nagpositibo din sa sakit.

Sila ay kapwa na-expose sa apat na manlalaro ng Brooklyn Nets na naunang nagpositibo sa COVID-19 matapos ang kanilang laban noong March 10.

Kapwa asymptomatic din ang dalawang manlalaro at ngayon ay naka-quarantine na.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *