Connect with us

Sports

Kevin Durant, at tatlong Nets players nagpositibo sa COVID-19

Published

on

Photo: gritdaily.com

Isa si two-time NBA Finals MVP Kevin Durant sa apat na Brooklyn Nets players na nagpositibo sa coronavirus disease 2019.

Kasalukuyang naka-quarantine ang apat na manlalaro kasama si Durant.

Isa lamang sa kanila ang nakararanas ng sintomas ng sakit habang si Durant at ang dalawa pang iba ay asymptomatic at nasa maayos na kalagayan.

“Everyone be careful, take care of yourself and quarantine. We’re going to get through this,” mensahe ni Durant.

Mayroon nang kabuuang pitong NBA players na nagpositibo sa COVID-19.

Una rito si Rudy Gobert na sinundan ng kanyang teammate na si Donovan Mitchell ng Utah Jazz, at Detroit Pistons forward na si Christian Wood.

Dahil sa positibong resulta ni Gobert at global outbreak ng sakit ay Sinuspende  ng NBA ang 2019-2020 season.

Huling nakalaban ng Brooklyn Nets ang Los Angeles Lakers bago nasuspinde ang season, kaya isasailalim din ang team sa quarantine.

Source: https://www.cbssports.com/nba/news/coronavirus-kevin-durant-among-four-brooklyn-nets-players-who-tested-positive-for-covid-19-virus/

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *