Connect with us

Sports

NBA season, suspendido; Utah Jazz player nag-positibo sa COVID-19

Published

on

Photo courtesy| Rick Egan (The Salt Lake Tribune)/ NBA logo

Hindi na matutuloy pa ang mga laro ngayong season sa larangan ng basketball matapos suspendihin ng National Basketball Association (NBA) nang mag-positibo ang isang player ng Utah Jazz sa COVID-19.

Ayon sa report ng ESPN, nagpositibo sa  COVID-19 ang Utah Jazz player na si Rudy Gobert.

Nasa gitna ng laban ang Jazz at Oklahoma City Thunder nang ianunsiyo ng NBA na kanselado ang laro dahil sa positibong resulta kay Gobert.

“The NBA announced that a player on the Utah Jazz has preliminarily tested positive for COVID-19,” nakasaad sa kanilang pahayag.

“The NBA is suspending game play following the conclusion of tonight’s schedule of games until further notice. The NBA will use this hiatus to determine next steps for moving forward in regard to the coronavirus pandemic,” dagdag pa nito.

Marahil ito ay dahil sa hinawakan umano ni Gobert ang lahat ng mga mic at recorder na nakatutok sa kanya habang nasa media conference.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang NBA kung kelan magbabalik ang mga laro lalo na at nalalapit na ang NBA playoffs.

Source: https://kami.com.ph/107651-nba-suspends-entire-season-utah-jazz-player-tests-positive-coronavirus.html

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *