Connect with us

Sports

Biyuda ni Kobe na si Vanessa Bryant, kinasuhan ang helicopter operator

Published

on

Photo| https://tvline.com/ - Entertainment Weekly

Nagsampa ng kaso ang biyuda ng nasawing NBA Star Kobe Bryant kontra sa Island Express Helicopters na operator ng bumagsak na chopper sa California hillside na kumitil sa buhay ng NBA legend at anak nitong si Gianna.

Inihain ni Vanessa Bryant ang ‘wrongful death lawsuit’ sa Los Angeles Superior Court laban sa nasabing kompanya kahapon kasabay ng memorial celebration ng dalawa.

Sinasabi na marami ang naging pagkukulang ng Island Express kaya’t nangyari ang insidente noong January 26 kung saan 7 katao ang namatay kasama ang piloto na si Ara Zobayan.

Sa ngayon ay wala pang komento kaugnay dito ang Island Express na nauna nang nagsuspende matapos ang pangyayari.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *