Sports
KYRIE IRVING OUT SA BUONG SEASON DAHIL SA SHOULDER INJURY

Published
11 months agoon

Mawawala sa nalalabing bahagi ng 2019-2020 NBA season si Kyrie Irving ng Brooklyn Nets.
Inanunsyo ng koponan na kakailanganin ni Irving na magpasailalim sa arthroscopic surgery para sa kanyang shoulder injury.
Mula noong Nobyembre, ilang magkakasunod na laro na ang hindi nadaluhan ni Irving dahil hirap na itong itaas ang balikat.
Nakabalik naman noong Enero ngayong taon ang NBA superstar matapos turukan ng cortisone, ngunit ngayon ay kailangan nang operahan.
Malaking kawalan sa koponan si Irving na mayroong average na 26 points, 5.4 assists at may 53 shooting percentage.
Sa ngayon, dalawa na sila ni dating NBA MVP Kevin Durant na out naman dahil sa achilles tendon injury ang hindi makakalaro para sa Brooklyn Nets sa buong NBA season.
You may like
-
2 MANLALARO NG LAKERS AT 1 MULA SA BOSTON CELTICS POSITIBO SA COVID-19
-
Kevin Durant, at tatlong Nets players nagpositibo sa COVID-19
-
NBA season, suspendido; Utah Jazz player nag-positibo sa COVID-19
-
MISS UNIVERSE 2015 PIA WURTZBACH, HINDI KINAYA ANG LAKI NI KAI SOTTO
-
“Walang Kai-kaibigan o Loyalty sa NBA”–Andre Drummond
-
NBA IPINAGPALIBAN MUNA ANG LARO NG LA LAKERS KONTRA LA CLIPPERS