Connect with us

Sports

MISS UNIVERSE 2015 PIA WURTZBACH, HINDI KINAYA ANG LAKI NI KAI SOTTO

Published

on

Photo from the web.

Naging usap-usapan sa socmed ang selfie ng dalawang pinoy pride sa magkaibang larangan na sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at NBA prospect na si Kai Sotto.

Ibinahagi ng beauty queen sa kanyang instagram ang kanilang selfie kung saan hindi nito kinaya 7 feet na taas ni Kai kaya kinailangan pa nitong pumatong sa isang upuan.

Nakasaad sa post ni Pia ang caption na “With @kzsotto already pride of the Philippines.”

Ayon pa kay Pia, tinuruan siya ng NBA hopeful kung paano mag-shoot.

Si Pia na 5-foot-6 lang ay nasa All Star bilang special correspondent ng Pilipinas habang si Kai naman ay nakasama sa line up ng basketball Without Boarders Camp para sa sa 2020 NBA All Star Event sa Chicago, USA.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *