Connect with us

Sports

Manny Pacquiao, pumirma na sa Paradigm Sports Management

Published

on

Photo | @AudieAttar Twitter post/web

Pumirma na si eight-division world champion Manny Pacquiao sa Paradigm Sports Management na siya ring humahawak kay Mixed Martial Arts superstar Conor McGregor.

Mismong ang kampo ni Pacquiao ang nagkumpirma kahapon kung saan pormal na itong inanunsyo ng Paradigm Sports Ma­nagement sa kanilang Twitter account.

Kaya naman mas la­long umugong ang posib­leng pagtutuos nina Pacquiao at McGregor para sa isang mega fight.

Mainit na ti­nang­gap ng Paradigm Sports Management sa kanilang pamilya ang Pinoy champion na iti­nutu­ring na greatest boxer of allº time at kasalukuyang nagmamay-ari ng World Bo­xing Association (WBA) welterweight belt.

“We’re very excited to announce that Manny Pacquiao has signed with PSM for full service representation! Manny is one of the greatest boxers of all time & we look forward to working with Arnold, Ping and the rest of the team back in Manila to maximize his historic career,” ayon sa post ng Paradigm Sports Management.

Pag-aari ni Audie Attar ang Paradigm Sports Ma­nagement na siya ring humahawak sa ilang kila­lang atleta sa mundo gaya ng American Football pla­yers at mixed martial artists.

Maliban kay McGregor, hawak din ng Paradigm Sports Management sina world champion Cristiane Justino at UFC king Israel Adesanya.

Bukas-palad din ang pagsalubong ni Attar kay Pacquiao.

Sabik na si Attar na ma­kasalamuha ang Team Pac­quiao para sa mga su­sunod na malalaking pro­yekto nito.

“Incredibly proud to announce that @ParadigmSM is officially representing Manny Pacquiao. I’d like to thank everyone involved in this, including our partners Arnold, Ping, Atty Brando, Jayke and the rest of Team Pacquiao back in Manila. Cannot wait to work together,” ani Attar.

Nilinaw naman ni Brando Viernesto, ang legal ad­viser ni Pacquiao, na ba­hagi pa rin ang Pinoy figh­ter ng Premier Boxing Champions (PBC) ngunit wa­la na itong natitirang la­ban sa ilalim ng PBC.

Sa Hunyo o Hulyo ang target na pagbabalik-ak­syon ni Pacquiao at wala pang linaw kung sino ang la­labanan niya. Philstar.com

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *