Connect with us

Sports

NBA Legend Kobe Bryant at anak na si Gianna, inilibing na!

Published

on

Photo from the web

Los Angeles – Inihatid na sa huling hantungan si NBA legend Kobe Bryant at anak nitong si Gianna.

Sa inilabas na death certificates ng Los Angeles county officials inihimlay ang Los Angeles Lakers star at 13 anyos nitong anak sa Pacific View Memorial Park sa Corona Del Mar, California noong Biyernes.

Naging pribado ang paglilibing sa mag ama at wala nang iba pang impormasyong isinapubliko ang mga otoridad hinggil dito.

Nakatakda namang isagawa sa February 24 sa Staples Center sa Los Angeles ang public celebration of lives ng mag amang Bryant.

Magugunitang nasawi ang mag ama kasama ang pitong iba pa sakay ng isang private chopper patungo ng Mamba Sports Academy sa Thousand Oaks, California nang mangyari ang aksidente.

Article: dwiz882am.com

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *