Connect with us

Sports

Philippine Jr. Squad swimming team 8 gold ang nilangoy sa Tokyo

Published

on

Photo | manilastandard.com

Nakasungkit ng walong gintong medalya ang Philippine Behrouz Elite Swim Team (BEST) junior squad sa 2020 Tokyo Swimming Winter Championships na ginanap sa St. Mary’s International School sa Setagaya Tokyo Japan.

Ang walong gintong medalya ay bahagi lamang ng 18 medalya na napanalunan ng junior squad.

Rumatsada ng tatlong gintong medalya ang Cambodia based Filipino swimmer na si Enkhmend Enkmend, dalawang ginto ang kay Brendan Vinias at tig-isang ginto naman sina Jahzeel Rosario, Dawn Martina Camacho at Ashley Anne Alvarez.

Ipinakita ng Pinoy tankers ang kanilang husay kontra sa mahigit 15 clubs at school teams na lumahok sa naturang swimming event. – dwiz882am.com

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *