Connect with us

Sports

‘Mamba 4 Life’, LeBron James nagpa-tattoo para kay Kobe Bryant

Published

on

Photo courtesy| Mark J. Rebilas/USA Today Sports, via Reuters/ @kingjames Instagram Photo

Patuloy ang pagbibigay pugay ni LeBron James sa legacy ng yumaong si Kobe Bryant sa papamagitan ng isang bagong tattoo.

Pinasilip ng Los Angeles Lakers player ang kanyang “Mamba 4 Life” snake thigh ink kung saan nakalagay ang jersey number ng NBA legend na 8 at 24.

“My brother #Mamba4Life #RIPKobe #RIPGiGi,” ayon sa kanyang caption.

Ibinahagi ang litrato bago ang unang laro ng Lakers matapos ang pagpanaw ni Kobe kasabay nang pagbibigay ng isang touching tribute si LeBron sa yumaong kaibigan.

“I know at some point we will have a memorial for Kobe, but I look at this as a celebration tonight. This is a celebration of the 20 years of the blood, the sweat, the tears, the broken-down body, the getting down, sitting up, the countless hours, the determination to be as great as he could be,” aniya.

“Tonight we celebrate the kid that came here at 18 years of age. Retired at 38 and became probably the best dad you could have seen over the last three years. Tonight is a celebration.”

Naroon din sa seremonya ang Boyz II Men at si Usher. Nakareserve naman ang courtside seats para kay Kobe at sa anak nitong si Gianna.

Source: remate.ph

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *