Connect with us

Sports

NBA IPINAGPALIBAN MUNA ANG LARO NG LA LAKERS KONTRA LA CLIPPERS

Published

on

Photo| Totalprosports.com

Nagdesisyon ang NBA na ipagpaliban muna ang naka-schedule na laro sa pagitan ng Los Angeles Lakers at Los Angeles Clippers ngayong Martes.

Binigyang pagkakataon ang LA Lakers na magkaroon ng mas mahabang panahon upang ipagluksa ang pagkamatay ng dating manlalaro ng koponan na si Kobe Bryant.

Ayon sa NBA, labis na nag luluksa ang Lakers organization kaya mas mabuting ipag paliban muna ang laro.

Gaganapin sana ang laban sa stample center na syang homecourt ng Lakers, na dinagsa ng libu-libong fans ni Kobe na nagdadalamhati sa pagpanaw nito.

Kaugnay nito, gagawaran si Kobe Bryant bilang kauna-unahang Hall of Famer ng Naismith Memorial Baskerball hall ngayong taon.

Magdaraos ng normal election process ang Hall of Fame para gawing inductee si Bryant.

Si Bryant ay nakapagtala ng limang beses na kampeonato sa NBA at 19-time All-Star.

Siya rin ang kasalukuyang fourth-leading scorer sa kasaysayan ng liga.

Pumanaw si Bryant sa edad na 41 kasama ang kanyang 13 anyos na anak matapos bumagsak ang sinasakyang helicopter sa California.

Via| Daniel Pineda

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *