Sports
NBA legend Kobe Bryant, patay sa helicopter crash

Published
1 year agoon

Isa si Kobe Bryant at ang kanyang 13 taong gulang na anak sa mga namatay sa helicopter crash sa Calabasas, California nitong Lunes ng madaling araw.
Sakay ang retiradong NBA superstar sa kanyang private chopper kasama ang kanyang anak na si Gianna at pitong iba pa patungong Mamba Sport Academy.
Inaasahang maglalaro sana sa isang tournament ang anak nito sa Mamba Cup Series at si Kobe ang mag co-coach sa team nito bago mangyari ang insidente.
Ikinagulat at ikinalungkot ng marami sa mga tagahanga ang pangyayari.
Nagpaabot ng pakikiramay si US President Donald Trump maging ang ilang mga kilalang personalidad sa America tulad ni Allicia Keys, Taylor Swift, at Boyz II Men, pati na rin ang ibang mga NBA basketball teams.
Kilala si Kobe bilang isa sa mga “Legend of the NBA” or “The Black Mamba”.
Nakapagtala si Kobe ng limang panalo sa NBA, dalawang gintong medalya sa Olympic at labing pitong beses na nakasama sa NBA Allstar sa loob ng dalawampung taon sa larangan ng basketball.
Namatay si Kobe sa edad na 41.
Via|Reyniel Perez, Ronalyn Panlilio
You may like
-
Daan-daang bahay, natupok ng wildfires sa Oregon, USA
-
BABAE, ARESTADO MATAPOS DILAAN ANG MGA PANINDA SA ISANG SUPERMARKET
-
2 MANLALARO NG LAKERS AT 1 MULA SA BOSTON CELTICS POSITIBO SA COVID-19
-
Kevin Durant, at tatlong Nets players nagpositibo sa COVID-19
-
NBA season, suspendido; Utah Jazz player nag-positibo sa COVID-19
-
Biyuda ni Kobe na si Vanessa Bryant, kinasuhan ang helicopter operator