Connect with us

Sports

NBA: LA Clippers, naisahan ang Dallas Mavericks

Published

on

PHOTO/S: Tim Heitman-USA TODAY Sports/ mavsmoneyball.com

Tinuldukan ng Los Angeles Clippers ang four-game winning streak ng Dallas Mavericks sa kanilang sagupaan noong Martes, January 22,2020.

Nagtapos ang kanilang laban sa iskor na 110- 107.

Pinangunahan ni three-time All-Star Kawhi Leonard ang Clippers kung saan kumana ito ng 36 puntos.

Nakapag-ambag naman si Landry Shamet ng dalawang krusyal three-pointer para sandigan ang Clippers sa ikaapat na sunod na panalo.

Balik aksiyon na din mula sa injury si center Kristapas Porzingis, ngunit nagtamo ng injury si center Dwight Powell.

Kumubra si Porzingis ng 10 puntos mula sa 4-for-17 shooting.

Sa Dallas, nanguna si Luka Doncic na may 36 points, 10 rebounds at siyam na assists.

Sunod na makakasagupa ng Mavericks ang Trail Blazers sa Portland.

Source: balita.net.ph / mavsmoneyball.com

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *