Connect with us

Sports

Miami Heat may pa-‘three-day tribute’ kay Dwyane Wade

Published

on

Photo courtesy| wallpapersafari.com photo

Mag-aalay ng ‘three-day tribute’ ang Miami Heat para kay Dwyane Wade sa susunod na buwan.

Kabilang na rin ang pag-retiro ng No.3 jersey ni Wade at ipapalabas ang isang documentary series ng kanyang final season sa NBA.

Sisimulan ang tribute sa ilan sa “best moments” ni Wade sa Pebrero 21. Ang jersey naman nito ay mapupunta sa rafters habang naglalaban ang Heat at Cleveland Cavaliers sa Pebrero 22. At ang dokumentaryo na sumasaklaw sa kanyang on- at off-court life ay ipapakita sa arena ng koponan sa Pebrero 23.

Si Wade ay magiging ikalimang dating manlalaro ng Heat na magretiro ang kanyang jersey sa koponan. Makasasama ni Wade sina Alonzo Mourning, Tim Hardaway, Shaquille O’Neal at Chris Bosh Kamakailan, inanunsiyo umano ng Heat na si LeBron James ay magkakaroon din ng pagretiro sa kanyang Heat jersey.

Si Wade ay nakapaglaro ng 16 seasons sa NBA, at karamihan ay sa Miami. Tumulong siya sa panalo ng Heat sa NBA noong 2006, 2012 at 2013 at siyang nangungunang scorer sa kasaysayan ng koponan.

Source: Spin.ph

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *