Connect with us

Sports

PBA: Gin Kings vs bolts, magsisimula na!

Published

on

Photo from the web

Magsisimula na ang bakbakang Gin Kings at Bolts sa kanilang best-of-seven championship series ngayong alas-7 ng gabi sa Game One ng PBA Governor’s Cup Finals sa Smart Araneta Coliseum.

Ito na ang ikatlong pagkakataon sa huling apat na season-ending conference na magtutuos ang Ginebra at Meralco para sa korona.

Ang pamatay na opensa ang muling ipapakita ng Barangay Ginebra habang itatapat naman ng Meralco ang matibay nilang depensa.

Nakuha ng Gin Kings ang dalawang korona sa magkasunod na season taong 2016 at 2017 kontra Bolts.

Muling sasandigan ng Gin Kings sina resident import Justin Brownlee, LA Tenorio, Japeth Aguilar, Greg Slaughter, Scottie Thompson, Jeff Chan at ang bagong hugot na si Stanley Pringle.

Itatapat naman ng Bolts sina two-time PBA Best Import Allen Durham, Chris Newsome, Baser Amer, Cliff Hodge at mga baguhang sina 6-foot-8 Raymond Alamazan at rookie Bong Quinto.

Dahil kapwa hangad ang korona ay posibleng matuloy sa Game Seven ang bakbakan ng Gin Kings at Bolts kagaya nang nangyari noong 2017.

Source: Philstar

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *