Connect with us

Sports

16-anyos na pambato ng Pinas sa Asia Road Racing Championship, patay sa aksidente!

Published

on

Hindi na nakauwi ng buhay ang 16-anyos na pambato ng Pilipinas sa Asia Road Racing Championship na ginanap sa Buriram, Thailand.

Ito ay matapos na sumemplang sa gitna ng karera ang binata sa nasabing kompetisyon noong December 5.

Base sa ulat, maayos pang kumakarera si Torres hanggang sa hindi inaasahang nahulog ito sa motor sa third lap.

Naisugod pa raw si Torres sa ospital ngunit binawian din ng buhay kinalaunan.

Puno naman ng hinagpis at pangungulila ang mga magulang nito dahil sa maagang pagpanaw ng anak.

“Sobrang mabuting anak at mabuting tao sa mga kaibigan, sa pamilya,” anito.

“Hindi ko ma-imagine na ganun ‘yung mangyayari sa lahat ng hirap namin biglang tatlong araw wala na.”

Bumuhos ang pakikiramay ng mga Pinoy netizens para sa binatang makailang beses nang nagbigay ng karangalan sa bansa sa larangan ng pakikipagkarera sa motor.

Nakatakda pa sanang lumaban si Torres sa lima pang karera sa ibang bansa bago ito mamatay.

Source: kami.ph

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *