Connect with us

Sports

NBA: James Harden, nakapagtala ng back-to-back 50-point games at mahigit 10 three-pointers

Published

on

Photo courtesy| basketballforever.com

Tumatak ngayong Linggo sa kasaysayan ng NBA ang back-to-back 50-point games na may mahigit 10 three-pointers sa dalawang laro na ginawa ni James Harden.

Unang nakapagtala ang Houston Rockets guard ng 55 puntos para manalo ang koponan kontra sa Cleveland Cavaliers sa iskor na 116-110.

Agad naman itong sinundan ng 54 puntos ni Harden para muling manalo sa laban nila ng Orlando Magic sa iskor na 130-107.

“I just want to win man, whatever it takes.” ­saad ni Harden nang tanungin ang nararamdaman nito sa kanyang ginawa.

Hindi ito ang unang nakapagtala ng 50-plus puntos si Harden. Ngayong season, nagawa niya ito ng limang beses at tatlong beses ngayong buwan ng Disyembre.

Si Harden ang pangalawang player sa kasaysayan ng NBA na mayroong back-to-back games at mahigit na 10 3-pointers na naitala kasunod ni Golden State Warriors guard Stephen Curry.

Source: CNN Philippines

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *