Connect with us

Sports

PBA: TNT PINATAOB ANG MERALCO SA PBA SEMI FINALS

Published

on

PM photo ni Jun Mendoza

Hindi umubra ang Meralco Bolts sa TNT KaTropa sa kanilang sagupaan sa 2019 PBA Governors’ Cup semifinals kung saan natapos ang laro sa final score na 103-94.

Pinangunahan ni import KJ McDaniels nang makagawa ito ng 38 points at 14 rebounds at point guard Jayson Castro nang

Magpakitang-gilas ito sa kanyang all-around performance na 17 points, 8 rebounds at 7 assists.

“That’s only the first game. I feel like this is going to be a long series,” sabi ni TNT coach Bong Ravena

“We are glad that we won the first game—which is very important. But there’s nothing to celebrate,” dagdag pa nito.

“We have to [continue finding] ways in stopping (Allen) Durham,” saad ni Ravena.

Ang do-it-all import naman ng Meralco ay gumawa ng 32 points at 21 rebounds habang si Chris Newsome ay nagdagdag ng 14 points.

Subalit hindi  ito naging sapat para talunin ng Meralco ang TNT na naggupo ng twin digit scores mula sa tatlo nilang manlalaro na sina Roger Pogoy, Ray Parks at Troy Rosario.

May tsansa ang TNT Katropa na makalapit sa PBA Finals kung muling mananalo sa Game Two kontra sa Meralco ngayong araw.

Source: philstar.com

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *