Connect with us

Sports

PBA rookie Maurice Shaw inalok ng max contract ng Blackwater

Published

on

Photo courtesy| PBA images

Inalok na ng Blackwater ang second overall pick nilang si Maurice Shaw ng maximum three-year contract para maging isa sa pambato nila para sa 2020 PBA Season.

Inaasahang pipirma  sa kontrata ang 6’8 big man na si Shaw ngayong linggo para maging opisyal na bahagi ng Elite roster.

Napili si Shaw ng Blackwater bilang No. 2 pick sa ginanap na regular draft ng PBA sa likod lamang ni Roosevelt Adams na sinikwat ng Columbian bilang top pick.

Sina Adams at Shaw ang naging top choices ng koponan matapos ang special draft kung saan napili ang limang Gilas Pilipinas cadets na gugugulin muna ang panahon sa national team bago makapaglaro sa kanilang mother clubs pagkatapos ng 2023 FIBA World Cup na dito gaganapin sa bansa.

Ito ay sina top pick Isaac Go ng Columbian, Rey Suerte ng Blackwater, Matt Nieto ng NLEX, Allyn Bulanadi ng Alaska at Mike Nieto ng Rain or Shine.

Produkto ang 34- anyos na si Shaw ng Hutchinson College at dating miyembro ng sikat na Harlem Globetrotters.

Inaasahan ng Blackwater na mapupunan ni Shaw ang middle presence ng Elite simula nang mawala sa kanila si JP Erram noong nakaraang taon.

Ilan pa sa mga napiling rookies ng Blackwater ay sina Richard Escoto, Chris Bitoon at Hubert Cani.

Kagagaling lang ni Cani sa FEU stint sa UAAP at naglalaro pa sina Escoto (Iloilo) at Bitoon (Mani­la) sa MPBL na matatapos sa Abril. -philstar.com

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *