Connect with us

Sports

Margielyn Didal hinirang bilang “Tops Athlete of the Month”

Published

on

Photo courtesy| Philstar ngayon/file

Kinilala ang skateboarder athlete na si Margielyn Didal bilang “Athlete of the Month” sa buwan ng Nobyembre ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS).

Ito ay dahil sa sunod-sunod na tagumpay na ibinahagi ng 20-anyos Cebu City pride para sa bansa.

Una ay nang magwagi si Didal ng dalawang sunod na gintong medalya sa Netherlands at California, USA para palakasin ang kanyang tsansang makapasok sa Tokyo Olympics.

Sunod ay nang reynahan nito ang Ladies Day Skate competition sa Berrics sa Netherlands.

At ang muling pag-arangkada nito para masungkit ang kampeonato sa 2019 Exposure All Women’s Skateboarding Championships sa Huntington Beach, California, USA.

Mapapasama si Didal sa listahan ng TOPS monthly awardees tulad nina Manny Pacquiao (January), Jasmin Mikaela Mojdeh (February), Natalie Uy (March), EJ Obiena (April), June Mar Fajardo (May), ang Philippine Canoe Kayak and Dragon Boat Federation team (June), Obiena (July), Antonella Berthe Racasa (August), Obiena (September) at Caloy Yulo (October).

Source: Philstar Ngayon

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *