Connect with us

Sports

Nakuhang medalya ng Pilipinas sa dalawang araw ng Sea Games, nasa 75 na

Published

on

Photo courtesy| 2019seagames.com via radyo.inquirer.net

Umabot na sa 75 ang nahakot na medalya ng Pilipinas sa pagtatapos ng day 2 ng 2019 Southeast Asian Games.

Sa nasabing bilang, 39 ang gintong medalya, 22 ang silver at 14 ang bronze.

Nangunguna pa rin ang Pilipinas sa medal tally.

Samantala, pumapangalawa naman ang Vietnam na mayroon nang 51 medalya – 15 ang ginto, 20 ang silver at 16 ang bronze.

Ang Malaysia ang nasa ikatlong pwesto na mayroong 51 medals, 15 ang ginto, 20 ang silver at 16 ang bronze.

Ikaapat ang Indonesia na mayroong 29 medals – 6 ang ginto, 11 ang silver at 12 ang bronze.

Nasa panglima ang Singapore na mayroong 33 medalya – 3 ang ginto, 7 ang silver at 8 ang bronze.

Ang iba pang nasa ibabang pwesto ay ang Brunei Darussalam, Cambodia, Myanmar, Laos at Timor-Leste. – Dona Dominguez-Cargullo / radyo.inquirer.net

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *